17 December 2007

Anytime now...

I'm now officially on my 37th week of pregnancy, 1st day of my maternity leave and staying at my in laws' place. Papa A is making the sacrifice of waking up really early to catch his office's shuttle just so I'll have somebody with me throughout the day. Swerte ko sa aking mahal na asawa :P

Had our prenatal last Saturday and Dra. Niza informed us that I am already 1-2cm dilated! OMG! Hindi na daw aabutin ng Dec. 31 ito, most probably within the next 2 weeks e darating na si Baby Ethan...that had us excited! Pero syempre ako me kaba na rin hahaha...

Although I am already dilated, posterior pa ang position ng aking cervix...meaning may lightening na (baby's head is already low) pero hindi pa tapat sa cervix...unting lakad-lakad pa daw para mag-shoot sila hehe. Makapal pa rin daw ang cervix ko kaya tantiya ni doktora na hindi pa naman daw agad-agad.

Namyesta pa nga kami sa mga lola ni A kahapon sa Sampaloc. Sabi nga ni Kuya Ba kay A, nakakapag-LRT pa si Che? Sabi ko na sabihin nyang nakakapag-bus pa nga e with matching bitbit na bags hahaha. Paano kasi nung Saturday nung papunta kaming Marikina, dami naming dala syempre kelangan kong dalhin ung ibang bags - bitbit ko ang baby bag ni Ethan at ung maliit kong bag...jeep from bahay to Alabang bus station...van naman mula sa St. Francis Square para makauwi sa Marikina. At pumila pa kami sa St. Francis nyan ha! Lakwatsero talaga ang batang ito :P Pero buti na rin at nang tagtag ako, mas mahirap kasi kung hindi, baka matagalan pa syang lumabas pag nag-labor na ako.

Nung binalita ko nga sa parents ko ung sinabi na dilated na ako...sabi ni Mama, o wag kang matatakot...lumaban ka, iire mo! Hehehe...syempre kahit sino naman ata ayaw ma-CS no! Bukod sa mas mahal, mas matagal pa recovery. Sabi naman din ni doktora na malaki ang chance na ma-normal ko ito...Lord, help po...sana nga normal talaga. Kinakausap ko na rin si Baby Ethan na tulungan nya si mama sa pag-push para normal delivery sya :)

Sabi pa nina Mama mejo maaga daw akong nag-leave, sana daw pag nanganak na lang para ma-maximize ko ung leave ko. Kaso nahihirapan na talaga akong mag-travel araw-araw papasok ng office...kahit may shuttle kami from Alabang, 1-1.5hrs kaya ang travel ko papunta at pauwi kasi galing pang Cavite! Mamaya dun pa ako sa office abutan, di lalong napalayo sa hospital! At after nung check up namin nung Saturday, buti na nga lang na nag-leave na ako kasi dilated na pala ko!

Speaking of hospital, napag-desisyunan na naming sa Cardinal Santos na kami pupunta...mas malapit kasi from Marikina at pareho lang ang package rate with Medical Center of Muntinlupa (MCM)...and according kay doktora, pwede pang pumasok si A sa delivery room! Sana nga lang wag itye-tyempo ng anak kong lumabas ng rush hour kasi traffic sa Greenhills! Hahaha...

January pa sina Mama makaluluwas from Davao, after na lang daw ng birthday nung bunso namin..kawawa din naman kasi na wala sila dun pag nag-birthday sya :P o baka takot lang si mama na baka pag wala sila, maglakwatsa lang un sa birthday nya? Hahaha.

Hmm what else? May mga bagay pa kaming hindi nabibili like mattress para sa crib ni baby pero saka na lang...pwede pa naman syang sa bed pahigain, katabi namin...nakakairita kasi ung Christmas rush sa malls ngayon, ANDAMING tao! At least ung basic needs naman andyan na.

In terms of Christmas gifts, dami pa ding kulang. Wala pa kaming nabibili para sa in laws ko, except kina Kuya Ba! Sana sa Friday pwede pa. May check up na naman kasi ako sa Friday, magpapa-ultrasound pa rin kami...tapos may check up din si A...sana ma-squeeze in namin ung shopping hahaha...good luck sa amin!

I think eto na muna for now...until my next update :P Advance Merry Christmas sa lahat!

1 comment:

BabyPink said...

wow! hapit na gyud! you're always in my prayers, mami!:)

lakwatsero kaayo si baby ethan, oi! pero mas maayo na kay ma-strong siya.:)