28 March 2008

Three!

Wow, one month na pala since nung last post ko! Mejo hectic lang sa work kasi lilipat na naman ako (hehehe) tapos nag-Holy Week pa, umuwi kaming Davao :P Anyway, eto mga kwento...

****

Ethan's 2nd month

As mentioned in my previous post, we'll be having his customary cupcakes for his monthly birthdays, and of course the noodles (for long life). What we didn't count on was that this day coincided with the anti-PGMA rally in Ayala. Our shuttle left the office at 5:20pm and reached Alabang at 10pm! Kaloka! Gusto ko nang maiyak sa shuttle sa inis...paano naman kasi ang daming checkpoints kasi ayaw ngang papasukin ng Metro Manila ang mga tao from the south kaya ayun damay kami. GRRR as in GRRR talaga.

Iniisip ko na nun na sana gising pa si Ethan pagdating ko para man lang makapag-picture kami with his cupcakes. Si A naman ang bumili ng cupcakes, sya at least hindi naipit kaso mejo na-traffic pa rin papuntang ATC where he bought the Gonuts cupcakes.

Anyway, to make the long story short, nakarating ako ng bahay ng mga 10:20 (dahil sa jaskeng jeepney driver na naghihintay atang magka-ugat ung jeep nya sa kahihintay ng pasahero!). Buti na lang gising pa anak ko kaya we still had our pics taken, buti na lang din talagang kaka-alis ng stress si Ethan kaya masaya na ako pagdating ko sa bahay kahit stressed at pagod na earlier. Nag-take out na rin si A ng food from North Park kaya me noodles din kami :) eto pics...



****

Ethan's trip to Davao

We went home to Davao for the Holy Week kasi naisipan naming dalhin na sya dun while baby pa sya para naman makita ng mga tita ko na maliit pa hehe. So ayun, we left March 15 and came back March 23.

First plane ride nya...



...tinulugan! Hehehe...pero buti na rin para hindi sumakit ang kanyang ears :)
Ayun nung pauwi na kami, miss na miss sya nina Grandpa at Grandma (ayan tawag nya sa parents ko, para daw maiba hehe).

Nung pauwi na kami, sa airport, nadaanan namin ung lady guards na nagche-check ng luggage. Syemps, usual reaction pag nakakakita ng baby, ang cute daw (lalo na't me balat ito, daming natutuwa). Tapos yung isa, sabay sabing...ung ganyan kalaki, kumakain na ng kanin yan. Hahaha...kawawa naman baby ko, napagkamalang 6 months na? hehehe... mukha ba? you judge...



Nung 2 months sya nyan. As of his last check up nung Tuesday, 5.9kgs na sya at 59cm na ang haba :)

****

Finally, ito ang stress reliever ko...sarap lang titigan....

1 comment:

Heidi said...

cutie naman itong si ethan... i'm sure may mga tricks na yan to entertain his parents! :)