21 February 2007

Quite an embarrassing morning!

Nitong umaga lang, napag-isipan kong suutin ang aking beige babydoll na sapatos na binili ko nung huling punta ko ng Japan mga isang taon na ang nakalipas. At dahil hindi pa rin kami nakakapag-unpack ng lahat ng gamit mula nung naglipat mula Dasma papuntang Alabang, nasa karton pa rin ung sapatos ko :P Pupungas-pungas pa ako nung nilabas ko ung sapatos sa karton tapos naghanda na para sa aking pagpasok sa opisina.

Pagkababa ko sa jeep at habang naglalakad ako patungo sa hintayan ng aming shuttle, napansin kong mukhang nagka-crack na ang balat ng sapatos ko at ilang sandali pa, nagtaka ako ba't kakaiba na ung lakad ko. Parang me sumasabit sa kanan kong paa at maya-mayang unti pa ulit, pati na rin ung kaliwa! Hala! Natutuklap na pala ang swelas ng sapatos ko...unting lakad pa at tuluyang natanggal na talaga ung sa kaliwa!!!

Nakakahiya man (andami kayang tao sa Alabang pag umaga!), dinampot ko ung kaliwang swelas ko sabay tayo sa isang sulok at tumawag kay Albert. Malas ko nga lang, di nya sinagot ung telepono (naliligo na daw pala sya nun). Napag-isip ako kung anong gagawin ko...

Bukas na ang Annalyn's (yung maliit na grocery/dept store sa Alabang) at saktong nasa tapat ako ng pinto ng tindahan. Alam kong nagbebenta sila ng tsinelas dun. Dahil nga tuklap na talaga ung kaliwang swelas ko, sinubukan ko kung kakayanin ba kung ung tapakan na lang ang ipanlalakad ko, aba'y kaya naman pala! Kaya tinanggal ko na lang rin ung kanang swelas ko (iniwan sa isang tambak ng basura) sabay lakad papasok ng Annalyn's... MENTOS MOMENT ko un!

Eto itsura ng sapatos o...


Eto naman ung swelas-free look nya...grabe!



Pagdating sa loob, isang pagsubok ulit...kelangang :
1. makapili ng tsinelas na presentable - sayang naman ang pera ko kung bibili lang ako ng tsinelas na minsan lang gagamitin (andami pa kasi naming tsinelas sa bahay!)
2. makapili agad para hindi ako mahuli sa shuttle
3. kelangang sakto sa pera kong dala - P170!

Buti na lang meron akong nakitang tig-P149.50 lang at ok naman ang itsura (blue at white ang kulay, sakto sa suot ko ngayong blouse hehe), pwede pang-summer! Sobrang pawis na pawis talaga ako at harassed umagang-umaga pa lang...at pag naiisip ko ngayon, natatawa na lang ako.

Lesson learned:
1. I-check mabuti ang gamit bago umalis ng bahay.
2. Magdala lagi ng emergency money!
3. Dumarating ang ganitong mga araw, tawanan na lang hehehe...

Look at my new slippers :)


4 comments:

Ann said...

Cosmic sisters talaga tayo ...I love doll shoes ... I have tons of it before. Pero I left them na in Laoag. Sabi kasi ni mom yung mga lumang shoes iwan ko na sa mga cuz ko...eh di iwan hahaha! Ngayon, isa nalang ang doll shoes ko ... pag may work na ulit ako bibili nalang ulit ako ng bago.

Naaliw ako sa kwento mo ... sobrang natawa ako, no offense sis ha. And I read your kwento na din ... kakakilig ng kwentos mo. Buti ka pa may photos sa harap ng Twin Hearts, ako wala huhuhu.

cheryll said...

hahaha, oks lang sis, not offended at all. kahit naman ako natatawa pa rin pag naaalala ko ngayon.

note every morning ako dumadaan dun sa lugar ng pangyayari ha...at nakikita ko pa ung swelas ko, di pa siguro pinupulot ng basurero :P

kahinaan ko ito: shoes, bags, school supplies like pen, paper hehe..

i-photoshop mo na lang ung pic namin, ilipat mo pic nyo hehehe :)

Ann said...

nakow ... I told Paul Vincent na sa lahat ng photos namin yan talaga reretokahin niya, yung photo namin sa tapat ng church ... sana nga magawa nila eh hahaha!

napulot na ba yung swelas ng shoes mo? hehehe!

sister weakness ko din shoes and bag ... pero di ako fan ng mga expensive bags and shoes ha ... simpleng mamamayan lang ako. Nasa nagdadala lang yan hehehe.

cheryll said...

ay apir! ako rin, yoko ng mamahalin kasi for the price of 1 mamahalin, marami pa akong mabibiling mura... hehe quantity daw over quality (o kuripot lang talaga ako?)

wala na ung swelas ko, napulot na nga ata hahaha...