03 August 2007

I've been so out of touch, not a single entry for July! *tsk tsk*
Been so busy in the office, we have a new director for our dept, had to realign a lot of stuff. Not to mention the technical issues that I encountered. Also got sick for almost two weeks due to terrible cough and colds.

Di pala talaga biro pag buntis... mahina resistensya ko at unting ubo lang kelangan na talagang maagapan agad. In my case, nagkaroon tuloy ako ng mild pneumonia, buti nakita agad, nakainom ako ng gamot. Ayoko nga sana kaso in-assure naman ako ng OB ko na safe naman for baby ung gamot. Kesa naman matuluyan akong ma-pneumonia! Yaiks!

Excited akong sobra kasi uuwi kami ng Davao on the 17th! Hanggang 22 kami dun, 3 days leave bale since Aug 20 naman e holiday :) At least kahit pagod sa office, merong something to look forward to. Di na rin kasi makakauwi by Christmas time kasi due na ako end of December :)

On the 11th din, prenatal na naman namin at ultrasound na daw kami to check for any abnormalities, etc. We pray everyday na healthy si baby lagi. Kung aalamin na ba namin ang gender nya, pinag-iisipan pa namin hehehe.

Halata na ung tyan ko, bumibigat na rin hehe. Mas mabagal nang kumilos, tamad sa umagang gumising, maligo at mag-ayos hehe. Appetite bumalik na rin sa healthy :) lipas na ung morning sickness phase (thank God!), pero hindi rin naman sobrang takaw. Kasi pag sobrang busog naman, nakakasuka din hehehe. Everyday, hawak-hawak namin tyan ko, si A tanong nang tanong kung gumagalaw na raw ba si baby hehe. Di ko alam actually :P di pa siguro distinct, or di ko lang ma-identify hehehe...

Meron na rin akong pang-preggy na mga damit, c/o tita ko sa Davao. Sakto na un pag mga last trimester kasi mga dress/jumpers. Sa ngayon kasi gamit ko pa ung mga slacks c/o MIL (10 pairs din un!) kaya sobrang nakatipid ako at di na kelangang mamili ng pants :)

Ano pa ba? Sabog ang entry na ito kasi sobrang daming kelangang ikwento. Gusto ko lang mag-update kahit unti hahaha...baka kasi isara na itong blog ko :P

Napanood na pala namin ang Transformers at HP5, nabasa ko na rin ung HP7 - merong mga tanong na di pa nasagot masyado hehehe...gusto ko kasi ng details pa :P

Siguro eto na muna...hopefully mas makakapag-update na ako this month...

No comments: