19 February 2008

Another work day is about to end...thank God :) I find myself always checking the time always eager to go home hehe. Buti na lang sobrang busy sa office kaya bilis lang din ng oras.

Magkukwento lang, since I came back yesterday, I've been alloting about 30mins during lunch time and around 5pm to express some of my milk and keep it for Ethan. Medyo matagal din naming pinag-isipan ni A kung paano ko magagawa un without throwing out my milk - sayang naman kasi. Naisip naming bumili nung cooler na sakto lang ang 1 feeding bottle (a 7oz one from Pigeon) tapos me space pa to place ice to keep the milk cool during transport and supposedly to keep it cool the whole day. Buti na lang merong ref sa clinic so I can keep milk there throughout the day, at least one less thing to worry about. Yung ice naman, kumukuha ako sa canteen - kung meron sigurong mapagmasid na tao, magtataka kung bakit araw-araw 2 tumblers worth of ice ang kinukuha ko sa hapon hehe.

It's a bit of a hassle, pero I'm really resolved to keep this going as long as my milk will last. It's for my baby naman kasi...tsaka pag nasa bahay ako, talagang breastfeed ko sya...kasi feeling ko lugi sya pag pinainom ko sya ng formula kahit nasa bahay ako - not that I have anything against mothers who choose to do it ha. Personal feeling ko lang...para lang kasing meron kang isang bandehado nang special homemade punung-puno sa sahog na pancit canton sa harap mo pero ang ise-serve mo sa anak mo e instant pancit canton. Parang ganun...again, no offense to other women po.

Kagabi nung pagdating namin sa bahay, gising si baby. Ni-kiss ko agad...ang sarap ng feeling :P tapos maaakap mo sya, tapos titingnan ka nya nang pagkaamo-amo...na mejo me tampo kasi siguro iniisip nya kung bakit mo sya iniwan buong araw...hehehe...kaya pagkarating ko, ako na nagpunas sa kanya, prepare him for sleep. Hay sarap maging nanay :)

O sya, hanggang dito na lamang at malapit na ang uwian :P

No comments: