11 February 2008

Ethan turns 1 Month!

Time flies when you’re having fun…and A and I are having the time of our lives :) Ethan turned 1 month last Jan 29, and we bought him a cupcake to celebrate. Mama also cooked pancit for long life…

Ngayon andami na naming pictures na dapat ipa-print. I’m also working on his baby book, filling out details at andaming pictures na gusto ko nang maipa-print hehe.

Ethan is definitely growing (haha), he had another visit to his pedia for his rashes lang dapat but ended up having his BCG shot. Hindi pa kasi sya nabibigyan nung BCG vaccine and he was supposedly scheduled for the 6-in-1 vaccine this week. Turns out, dapat palang mauna na ung BCG kaya na-move na rin ung 6-in-1 vaccine sked nya. He didn’t cry at all when the needle was inserted, akala ko nga dun sya iiyak saka na pala nung pinapasok na ung medicine. Pero once natapos ung pagpasok ng gamot, stop na rin sya sa pag-iyak. Pina-check namin ung rashes nya kasi dumadami na lalo na sa mukha pero before ko pa man sya dalhin sa pedia nya, nag-change na ako ng soap from Lactacyd Blue to Oilatum..ayun ang recommendation ng pedia nya, Oilatum na nga lang daw ang gamitin…nag-subside na rin naman ung redness ng rashes nya, di na rin dumami…hintayin na lang naming bumalik ung flawless skin nya hehe….

After a month, his weight gain was 1.15kg (from 2.75kg at birth to 3.9kg) and grew taller by 5cms (from 49cm to 54cm)! Purely breastfed nga pala sya since we left the hospital :)

Here are some of his pics during his 1 month birthday…



2 comments:

Ann said...

hay salamat ... welcome back sis! Ang gwapo talaga ni Baby Ethan and congrats nga pala purely breastfeed si Baby Ethan. Yan din ang wish ko ... kaya super duper positive thinking ako na kailangan dumami ang milk supply ko hehehe. sabay ganun eh no?

cheryll said...

Hi sis, thanks! Ok lang yan, nasa magandang simula ka na naman e, nasa mindset mo na ang mag-breastfeed :) sabi nga, bigay mo lang milk sa kanya para di maubos ang supply mo...supply and demand lang daw kasi yan.

Ngayong back to work na ako, nagpa-pump ako ng milk sa office...kahit mejo hassle kasi nagdadala pa ako ng cooler, tiis talaga ako. aside from nakakatanggal ng sakit (sobrang sakit kasi pag puno na talaga), mabibigyan ko pa rin si ethan ng milk ko :)

i'm sure excited na talaga kayo for your baby J, think happy thoughts :)