11 February 2008


Our little Ethan Gregory was welcomed to Christianity last Saturday, Feb 2, on the Feast of Candelaria (the Presentation of the Child Jesus in the temple) at the St. Paul of the Cross Parish in Marikina. We celebrated afterwards at his grandparents’ house also in SSS Village.

The ceremony was supposed to start at 11am, we got there around quarter to 11…First Communion was already underway and ended at around 12noon! So, 1 hour delayed ung binyag ni Ethan, buti at 3 lang silang bininyagan that day. He slept the whole time, from the start until the end kaya sa mga pictures tulog sya hahaha. Kahit pinagpasa-pasahan na sya ng mga ninong at ninang nya for photo ops, wala talagang di sya natinag! Hahaha.

One gift he received was a baptismal book so meron na naman akong bagong ginagawa…di ko pa nga tapos ung baby book nya hehehe. Guests nya were mostly relatives ni papa nya and classmates. Some of my high school classmates were also able to make it pati na rin ung tito ko.

Bilis talaga ng panahon, pag tinitingnan ko nga si Ethan habang tulog sya, parang kelan lang ang liit-liit pa nya sobrang fragile na parang nakakatakot kargahin kasi parang sobrang frail pa…tapos ngayon, nagsisimula nang mag-appear ung mga gatla-gatla (ung mga lines na indicator daw na talagang tataba pa ung baby) nya sa arms and legs. Nung Sunday morning nga paggising ko, sore ang arm muscles ko, para akong nag-gym the day before hahaha… di matapos-tapos ang kwento about Ethan…andami kasing maikwento, ung iba’t ibang facial expressions nya pag gusto na nyang dumede, pag napupupu sya, pag plainly nangungulit lang :) siguro nga ganito ang feeling ng parents, they can go on and on talking about their kids quesehodang magmukhang stage parents hahaha.

Naku, malapit na akong mag-back to work :( parang ang hirap iwan nitong si Ethan ng whole day…baka di na ako makapagtrabaho nito, nakatitig na lang sa orasan naghihintay ng uwian hahaha…till next!

No comments: