17 April 2008

New!

So now, I'm in my new environment...still adjusting to the workplace, the people. At least I don't have to wake up as early anymore (30 minutes later) and I'm home much much earlier (as much as 1.5hrs if saktong 5:30 ang alis at walang traffic sa SLEX, of course assumption dito e nakasabay ako sa isang kasama hanggang Filinvest). Kahit un lang, masayang-masaya ako kasi mas mahaba na yung time na makakasama ko si Ethan.

Sarap ng aming upcoming 2 weeks...wala kaming pasok sa Monday kasi Calamba day, tapos holiday ang May 1 at me company shutdown kami ng May 2. hehehe...

Malapit nang mag-4 months si Ethan, marami ng "tricks" hehe. Typically, he wakes up at 6AM (with all his stretching sounds and sweet sweet smile when we greet him good morning baby) at hinahatid kami (ng tingin) pag paalis na kami ni A. Madalas nga, ilang goodbye kiss muna ang aming binibigay sa kanya kasi ang bango-bango nya at ang hirap iwan. Pilit na pilit nga ung pagtalikod ko para makaalis hehe.

Yung vocabulary nya (hahaha vocabulary daw), mas marami nang combination syllables (although syempre di pa rin maintindihan lahat haha). Me signs na rin na malapit na syang dumapa kaso di pa ata nya kayang buhatin ang kanyang logs, este legs, para tuluyang makadapa ;-P

Eto ang matindi, parang gusto na nyang kumain! Pag nagdi-dinner kami, laging nakatingin sa kumakain tapos naglalaway pa! At making sounds na parang sinasabing gusto nya ring kumain hahaha. Kaso nabasa ko dapat 6 months daw before mag-introduce ng solid foods sa baby para daw fully developed na ang kanyang digestive system at less prone to develop food allergies.

Nung minsan nga, kumakain kami ng mangga. Ni-touch ko lang nang unti ung mangga sa lips nya tapos nalasahan nya siguro ung tamis, gusto pa! Sabi ko, wala na, ubos na (kasi ubos na naman talaga)...aba'y lumingon agad sa Papa nya (kasi un kumakain pa)! Naisip nya un? Kakaiba hehehe...

Nakakaya na rin nya ung neck nya although madali pa syang mapagod pero gusto nya pag karga sya, dapat nakaharap na sya sa same direction kung san ka nakaharap (malabo ba? hehe). Basta dapat ung likod nya ung nakadikit sa chest mo, kasi nakikinood na rin sa mga tanawin. Nag-e-enjoy na rin sya sa play gym.

At pag nasa duyan sya at me tugtog na mga baby songs sa background, ang haba ng tulog! Ginigising na nga lang daw ni mama para makapagdede hehehe...

Hay lumalaki na talaga si Ethan...kakatuwa :) so far naman, kasya pa yung milk na pina-pump ko for his feedings. Feeling ko nga, mahina syang uminom, pero kung gutom naman sya, hihingi naman un. Kasi pag pinapadede sya, kusa namang aayaw dun sa milk. Tsaka 2-3x pa naman syang pumupupo sa isang araw, so di naman ako alarmed :)

Next week due na sya for his next vaccination - IPD. Mejo me kamahalan pero sige lang kesa naman magkasakit sya no (knock on wood!), mas mahirap yun.

I guess ito muna kwento ko...half day lang kasi ako today kasi naiwan ko ung breastpump sa bahay huhuhu :-( sa lahat ba naman ng malimutan un pa!

2 comments:

Ann said...

congrats sa new job at nakakatuwa naman ang mga stories mo about Ethan. Hay, can't wait to make kwento na rin ng mga baby moments ko with baby J ... medyo malapit na din ... 34 weeks na kasi ako ngayon weeeeeeee!

cheryll said...

hi cosmic sis! lapit na nga :) unting tiis na lang, makakasama nyo na rin si baby j. exciting!