18 April 2008

Kwento pa ulit about Ethan :)

Since half day lang ako yesterday, nagkaroon din kami ng time ni Mama na magkwentuhan about Ethan's antics. Syempre, sila kasi magkasama buong araw kaya mas nata-translate na ni mama ang kanyang mga gusto.

Gaya ng pag gusto nyang magpakarga, uungot-ungot na sya. Tapos tatanungin sya ni Grandma nya, gusto mong magpakarga? Ang sagot nya, ehe ehe sabay me coughing sound. Pag ganun ang sagot nya, ibig sabihin nun, Opo gusto ko nang magpakarga :P kahapon, narinig ko rin na ganun nga talaga at kaninang umaga, I tried it out for myself (para na rin marinig ni A), ganun talaga sagot nya hahaha. Siguro kasi pag nauubo sya or parang nacho-choke, binubuhat agad namin sya kaya siguro na-associate nya na ganun.

Naalala ko rin dati mga 1 month pa lang sya nun, after nyang maligo...ipapakita ko na ung bib nya tapos sasabihin ko...eto na ang bib, lagay na natin...ano na ang kasunod? Todo ngiti at likot na sya nyan kasi alam nyang kasunod na nun e dede :P Siguro nga kung gagawing routine ung isang bagay, masusundan na ng baby ung sequence at masasanay na sya.

Kahapon ng umaga din, natatawa daw talaga si Mama kasi dun sa play gym nya meron syang toy na nakasabit (ung de hila tapos tutunog na)...inaabot nya ung tali. Mas may control sya sa left hand nya kaso nagkataong nasa right side nya ung toy so ung right hand nya ung pinapang-abot nya, nakikigalaw nga lang din ung left hand nya. Biglang nahuli ng right hand nya ung left hand nya, para tuloy syang nakikipag-agawan sa sarili nya kasi naghihilaan ung right and left hands nya. Siguro kasi naiisip nyang ayaw bumitaw nung right hand kasi nga isip nya nahuli na nya ung tali, tapos ung left naman gustong makawala. Hahaha. Na-i-imagine ko, tawa din ako nang tawa.

Hay kanina, aga ulit nagising...6AM na naman :) pero nakakatuwa kasi todo ngiti na agad yan pag ni-greet ng good morning. at hinatid na naman nya kami ni papa nya (ng tingin). Buti na lang Friday na, 3 days na naman namin syang makasama (kasi wala kaming pasok sa Monday)...

1 comment:

Heidi said...

Hi Che! Kakatuwa naman ang stories mo about Ethan... hope to hear more from you... Take care!