22 April 2008

Shopping Galore

...For Ethan :)

Since wala kaming pasok ni A kahapon, nagpunta kaming Festival Mall kasama sina Ethan at Mama para bumili ng stroller for Ethan. Tagal na din kasi naming gustong bumili para naman pag napag-isipan naming mamasyal ay me stroller na sya.

Umalis kami mga 1pm (syempre kasagsagan ng init ng araw)...nasa carrier sya tapos balot din ng receiving blanket (actually ung hood lang ung critical para me shade kahit papano). Pagkasakay namin sa jeep, hindi talaga sya natulog, tingin nang tingin tapos ayaw pang magpatakip ng ilong. Pinipilit ko syang takpan kasi nga mausok at maalikabok, pumayag din naman. Pagkatanggal pala namin nung balot nya, sabi nung isang pasahero...ang cute ng baby, kamukha ng mommy nya...ehem ehem. kamukha ko nga naman sya, at cute naman talaga si Ethan pero hindi ibig sabihin nun na cute din ako :P

Pagdating namin sa Festival, ayun libot libot para makapili ng stroller. Saktong me sale sa Robinson's, ung nabili namin Aprova ung brand (syempre di sya well known) naka-25% off. Reversible na yung handle (which is one thing na gusto ko talagang maging feature ng stroller nya), me shocks pa yung mga gulong at me brake ung lahat ng gulong. Metal plated din ung mga locks kaya mejo mas resistant sa wear and tear compared kung plastic lang. Reclinable na rin sya from upo to semi-upo to higa. Tuwa naman kami sa stroller, mabilis lang din i-fold at di gaanong bulky kaya madali lang isakay sa jeep.

Namili na rin kami ng crib set (yung me comforter, pillow, bolster at bumper). Hopefully maayos na namin ung crib nya hehehe di pa kasi namin nagagamit kasi gusto ko pa syang katabi pag natutulog. Malamang pag marunong na syang dumapa at gumapang, sa crib na talaga sya. Mahirap na at baka sa kalikutan nya e mahulog pa.

At dahil me stroller na sya, bumili na rin kami ng mosquito net para sa stroller pati na rin ung mga laruan/rattle na kinakabit sa stroller. Bumili na rin ng mobile para sa crib nya...kaya nga shopping galore ang title ng post na ito! :P

Nakakatuwa si Ethan, talagang mino-model namin sya dun sa mga stroller hehe. Tapos pag nakasakay sya dun, mejo kelangang umaandar kasi pag nakatigil, nagagalit :P pati nga sa jeep, ayaw na nakatigil...pano kung traffic? Ungot nang ungot kaya kelangang kwentuhan para di nya maalala na nakatigil pala. Hehe.

Nung isang araw nga rin pala, bumili ako ng books for Ethan. Yung isa counting book (dinosaur babies) at ung isa naman God Gave Us You, conversation ng isang mother bear at ng kanyang cub kung pano nakarating sa mundo si Little Cub. Pag binabasa ko kay Ethan, titig na titig sya, labas nang labas ung dila parang gustong kainin ung book. Hahaha! Sabi nga ni Mama, pinagpaplanuhan na daw kung pano nya pupunitin at makakain ung book :P

Di ko pa nakukunan ng pics ung mga binili namin...mamaya pag-uwi pipicture-an ko para bukas ma-post ko dito (sana hehe)...

O sya, trabaho muna...

No comments: