29 May 2008

It's Ethan's 5th cupcake birthday today :) Ayan, me tawag na kami sa aming monthly affair, courtesy of his grandpa hehe. As usual, we'll have the customary cupcakes, malapit nang mag-isang dosena ang kanyang cupcakes! :)

Nakakatuwa ang batang to, nakakaintindi na ata talaga (haha parang di pa rin ako naniniwala)...last Monday at Tuesday kasi hindi sya nakapag-babay sa amin ni Papa nya pag umaalis sa umaga kasi sarap pa ng tulog nya. Kahit anong good morning at kiss na ang gawin namin sa kanya, ayaw talagang gumising. (Background:Kaya ginigising sya kasi dati nangyari na na hindi sya nakapag-babay sa umaga, paggising nya sinumpong kasi parang naiinis daw at hinahanap kami sabi ni grandma nya.) Kaya Monday at Tuesday nag-drama ang aming bochok kasi nga di nya kami nakita paggising nya (sandali lang naman daw). Nung Tuesday ng gabi sabi ko sa kanya, dapat maaga ka kasing gumising para makapag-babay ka sa amin ni papa sa umaga...aba nung Wednesday ng umaga, ang aga ngang nagising! Pagbangon ko, nagising na rin. Hahaha. Isinapuso ata ung sinabi ko :P

Naiinggit pa rin sya sa amin pag kumakain kami...dati kasi pinalalaro lang namin sya ng play gym sa kwarto para di nya kami nakikitang kumain. Kaso parang kawawa kasi mag-isa lang sya dun...nung isang araw sinubukan ni A na ilagay sya sa bouncer nya (ung binili namin before pa man sya ipanganak at pinaglalagyan namin sa kanya dati sa sala)...kaya na nyang nakaupo pag naka-recline ung bouncer/rocker...naka-seatbelt lang sya. Aba, tuwa sya! Feel na feel nya ung pag-upo sa seat nya...ngayon pa lang kasi nya na-a-appreciate ung upuang yun...kala namin isa na naman sa mga binili namin na hindi na magagamit. Hehe. Tapos kagabi, ginalaw nya ung legs nya kaya nagawa nyang i-rock ung sarili nya. Hahaha. Namamangha ako :P

Speaking of pagkain, 1 month na lang na pagtitiis, dinosaur baby at pwede ka nang kumain ng solid food :) Excited na rin sina mama, papa at grandma na pakainin ka ng mashed potato, mashed banana, mashed kalabasa at iba pa...unting tiis na lang para sa ating lahat hehehe.

Nung Saturday nga pala, nagpa-5-in-1 vaccine sya ulit (2nd dose)...hinihintay kong umiyak kasi usually umiiyak sya pagkapasok ng karayom tapos tigil din pagkatanggal...aba nung Saturday...walang iyak! Kinakausap ko kasi sya tapos hinihintay kong umiyak...wala talaga...napansin ko na lang pedia nya na umalis na sa gilid nya, tapos na pala?! Hahaha. Nga pala, timbang nya is 7.1kgs at 64cm na ang length nya...0.4kg gain since last month at humaba ng 1cm. Sabi ni doc, pang-6 months na daw ang timbang nya :P purely breastmilk lang sya nyan ha...ayaw na kasing uminom nung formula nya..ayun me naka-stock tuloy kaming 1 box ng Nan HA1 sa bahay (unopened) at ung nakabukas, siguro wala pang 20 scoops ang nabawas dun...

Lumalaki na si bochok, bilis ng panahon...buti ngayon mas may time na kaming magkasama kasi maaga na akong nakakauwi :)

No comments: