21 May 2008

rainy days

papa went home the other day after his initially-planned-4-day-stay-and-extended-to-9-days trip here in manila. syempre nalungkot si mama at umuwi na ang kanyang ka-loveteam hehe. sabi ni mama, si papa daw ang nagdala ng ubo't sipon sa bahay...kaya kami lahat me ubo't sipon at inevitably, pati ang aming little boy ay nahawa :( kawawa nga ngayon, me sipon tuloy...pinainom na rin naman ng meds so hopefully, mag-improve na ang kanyang condition. nakakaawa talagang tingnan kasi walang happiness ang kanyang face, kung ngumiti man, sandali lang... sabi pa nga nya kay grandpa nya nung isang araw, "yayay" daw sya..baby talk for may sakit.

he's due for another dose of his 5-in-1 vaccine this saturday. kawawa naman si little boy, turok na naman...ang hirap pa namang marinig na umiiyak sya. buti na lang ung pedia nya, ambilis lang mag-administer nung vaccine...in and out...kaya ang iyak ni ethan sandali lang din. but still...naririnig mo pa rin ung tunay na iyak :( oh well, para din naman kasi sa kanya un kaya kelangang tiisin mama!

he'll be turning 5 months in a week's time tomorrow (whew! nakakalito ba un?) imagine nyo un, almost half a year na ang lumipas since nag-hello world si ethan! pero parang kelan lang un, tandang-tanda ko pa ung bawat moment na lumipas mula nung na-admit ako ng dec28 midnight until naipanganak ko sya kinabukasan ng 7:48pm...hanggang sa mga araw na kasama ko sya sa bahay kasi naka-ML pa ako. bilis lang talaga ng panahon kaya kelangan talagang i-cherish ang bawat moment na kasama si ethan. buti ngayon mejo me luxury na ako sa time during weekdays. sa umaga, pwede pa kaming maglaro sandali before saying goodbye for the day. then sa hapon naman, kung wala lang traffic, nasa bahay na ako by 6:30. minsan din iniisip ko, ang sarap maging SAHM para kasama ko sya buong araw. pag pinapanood ko rin kasi ung mga video shots nya nung first few months nya o di kaya ung pictures nya, amazing talaga ung paglaki nya. at mas amazing ung feeling na nagmula sya sa tummy ko...thank you talaga Lord for this privilege you've provided to me na maging nanay :)

mukhang nagngingipin na rin si little boy kasi gustung-gusto ung kagat-kagat ang mga bagay...ginagawa nga namin, nilalagay sa ref ung teether para malamig pag kinagat nya, nakaka-soothe daw kasi ng gums nya. tapos naglalaway nang katakut-takot! hahaha. sa gabi naman since mejo malamig these past few days at maulan, naka-pajama sya kasi sinisipa nya ung kumot! kaya mas mabuting naka-PJs at least kahit sipaan nya ung kumot, di pa rin sya lalamigin. pero syempre pag nagising ako at nakita kong wala na syang kumot, kinukumutan ko din. kaso pawis naman ung likod nya at ulo! ewan ko ba, di ko maintindihan ba't pinagpapawisan pa sya samantalang ako e lamig na lamig na hehehe. ayan tuloy, amoy pawis sa umaga pero ang sarap-sarap pa ring amuyin! weirdness ng nanay...siguro pag nanay ganun talaga...kasi kahit si mama (grandma nya), kahit naaasiman din sa amoy, sarap pa rin daw amuy-amoyin :)

isa pa palang milestone nya na na-experience ko rin is ung pagdapa :) andun ako the first time dumapa sya...cheering him on kapag mukhang mejo napapagod na sya. that time, nahihirapan syang fully makadapa kasi naiipit ung isang arm nya...aba, starting this week...ang galing nang dumapa! diretso na, wala na nung "ipit phase". siguro sunod na pag-aaralan nya is pano makabalik sa pagkakahiga :) di pa naman sya nakaka-crawl pero minsan, natakot si mama kasi naabutan nyang nakalambitin ung part na tuhod pababa sa edge ng kama! pano kasi sipa nang sipa pero pabaliktad sya imbis na umakyat sya sa kakasipa, para syang kumakahig kaya pababa ung movement nya (nai-imagine nyo ba un? hehe parang labo ng description ko e).

ang daming new experiences with ethan everyday kaya talagang i make it a point na makauwi nang maaga, less time na magkalayo kami, the better. gusto kasi naming ma-experience din ung lahat ng ginagawa ni ethan...mapa-major or minor milestone...or kahit hindi milestone, kahit everyday experience lang. sarap maging parent...magastos, oo...pero pag kasama mo baby mo at nakita mo ang maamo nyang mukha, priceless naman talaga sya...

No comments: