05 May 2008

Sarap ng 4 day weekend hehe. Nag-leave kasi ako nung May 2 para tuluy-tuloy ang pahinga :)

Dapat sana lalabas kami nung Saturday, pasyal namin si Ethan sa SM Muntinlupa habang nasa driving lessons si A kaso mukhang uulan kaya di kami natuloy. Buti na rin kasi umulan nga pagdating ng mga 3PM.

Speaking of driving lessons, 2hrs na lang kulang ni A para ma-complete ung 10hrs lesson nya. Mejo marunong na naman daw sya (hahaha mejo daw), kulang na lang practice :) kelangang makahanap na ng car hehehe...

Yung 4th monthday (hehe) pala ni Ethan, as usual cupcakes sya kaso ang boring nung itsura ng cupcakes :( pano kasi, ung natira sa West Gate e 2pcs na cupcake with white icing at 4pcs nung sobrang simpleng cupcake nila (tipong me asukal lang sa ibabaw). Plan ko pa naman sanang bumili ng 6, para naka-box ung cupcakes. Bumili na lang ako ng box of 3 at isang tingi. Pagdating sa bahay, buti me unting chocolate pang natira, ginawa na lang garnish para dun sa plain na cupcake. But nevertheless, happy pa rin kasi syempre lumalaki na ang aming baby :)

Eto nga pala, slideshow na in-upload ni A, gawa nya rin yan for Ethan...



*sana gumana ung link*

Last Saturday lang din, dumapa na si Ethan! Another milestone for baby...tapos binili na rin namin sya ng teether, pano kasi naglalaway lagi tapos kagat-kagat ung kamay nya. Sina-suck nya rin ung lower lip nya, sabi ni mama baka daw kumakati na at baka mag-ngipin na! Yaiks! Goodluck na lang sa akin during breastfeeding sessions namin...kasi ngayon ngang wala pa syang ngipin, nangangagat na. Tapos pag sasabihin kong "Aray! Don't do that baby, nasasaktan si mama" ngingitian lang ako nang pagkatamis-tamis...kelangan ng willpower para ipa-intindi sa kanya kasi nakakatunaw ung ngiti :)

Eto secret lang, punta si papa dito sa Saturday (pohon)...di alam ni mama. Surprise daw hehehe. Kala kasi ni mama sa June pa punta ni papa dito para sabay na sila pauwing Davao. Sakto lang din kasi Mother's Day sa Sunday :)

Speaking of, naghahanap ako ng cross stitch kit (or kahit design tapos ia-assemble ko na lang ung kit) na pang-kitchen...gaya ng teapots (na paborito ni mama) or teacups. Yun ang plan kong ibigay kay mama for Mother's Day...gusto na daw kasi nyang palitan ung ginawa nyang abubot dati para dun sa kitchen namin sa Davao. Hehehe...

Ayan na naman ako at ang aking sabog na pagkwento :) cge, hanggang sa susunod ulit...

No comments: