23 February 2009

Nars

Congrats sa aking bunsong kapatid na si Mico :) Isa kasi sya sa mga pumasa nitong latest Nursing board exams.

Naalala ko nung maliliit pa lang kaming mga bata, pangarap kong maging doktor. Ung sumunod sa akin (na si Soc), gustong maging engineer at ang aming bunso naman ay gustong maging dentista.

So, mukhang wala sa aming natupad ang aming gusto nung bata pa kami, ano? Nyahaha.

Ako, gusto ko pa rin ang medical profession kasi gusto kong makatulong. Walang biro yan. Siguro kung natuloy akong maging doktor, hindi ako mayamang doktor :P kasi sabi ko nga, bakit kelangan pang maningil ng consultation fee kung ang gagawin mo lang naman ay silipin ang lalamunan, pakikinggan ang dibdib gamit ang stethoscope sabay sabing..."hinga nang malalim"???

Naging diskusyon na rin namin ni A ang bagay na yan. Sabi nya nga, binabayaran ka dahil sa specialization mo, dahil sa alam mo.

Naiinis din ako dun sa mga nagpapa-follow up visit, pagkatapos nilang resetahan ka ng gamot at alam mo namang gumaling ka na. Pero dahil nga masunurin ka, punta ka naman sa kanya, at ganun ulit, silip-silip ng unti, kinig sandali...tapos...P300 na agad un! Pucha, siningil mo na naman ako dati di ba? Follow up na nga lang e. Babayaran kita ng P300 para lang sabihin mo sa akin na magaling na nga ako? Samantalang alam ko na naman un? Bad trip.

Kaya sabi ko nga, siguro kung naging doktor ako...di ako mayamang doktor :P

Si Soc naman, di nga sya naging engineer pero masaya naman sya sa napuntahan nya ngayon. Isa kasi syang IT graduate...ganun din ginagawa nya ngayon at meron pa syang mga sideline hehehe.

Si Mico, nagbago ang isip dahil ayaw na daw nyang mag-dentista. Ito na nga ung napili nya, maging nars. [Pero secret natin ha, may nabasa akong write-up nya dati. Sabi nya, di daw sya sigurado kung gusto nya ba talagang maging nurse nung nag-a-apply pa lang sya for college admission. Pero nung nasimulan na nyang mag-aral, nagustuhan na rin nya. Chismosang ate!] Ngayon naman, nakikita kong devoted sya. Lagi ko lang pinagdarasal na sana i-guide sya ni Lord para maging true sa kanyang vocation.

Kasi nga (ayan na naman, maglilitanya na naman ako), para sa akin ang pagpasok sa medical field ay isang vocation. Hindi lang sya bastang trabaho, kelangan lagi mong isasapuso na tao ang inaalagaan mo...may buhay. Hindi dapat padalos-dalos at dapat maging maalaga.

So ayan, mukhang okay naman ang kinalabasan naming tatlo hehehe. Maayos din kasing magpalaki ang mga magulang namin.

Kaya nga ngayon, gusto kong lumaki din si Ethan na alaga nila :D Yun, yun!

No comments: