09 March 2009

Woohoo!

Isa pa nga, woohoo!!!

Uuwi kami sa Holy Week sa Davao yey! :)

Nabanggit ko na dito na pumasa ang aking bunsong kapatid sa nursing board exams kaya magse-celebrate kami. Naisipan naming umuwi ng Davao para na rin makapagpahinga...at itaon na ng Holy Week para me libre kaming 2 days...hep hep...3 days pala na holiday (opo, holiday ang April 6 kapalit ng April 9).

Nung una, mejo nagdadalawang-isip nagwo-worry ako kasi syempre kahit libre pa si Little Boy sa eroplano, 2 pa rin kaming uuwi so mejo mabigat din sa bulsa. Simula na kasi this month ang aming monthly hulog para sa downpayment ng aming future bahay *tawiwit! dream come true ito!* pero syempre gusto naming umuwi para makasama sa celebration at para naman makabisita si Ethan sa Davao nang mejo malaki-laki na sya (wala pa kasi syang 3 months nung huling uwi namin).

Mabuti na lang at mejo natagalan bago nakapagpaalam si A sa boss nya na magli-leave...nakatyempo ako ng plane tickets sa CebuPac na nagkakahalaga lang ng tumataginting na....*drum roll* P882!!!!

Isa pa ulit...WooHoo!

Ang regular fare naman kasi pauwi sa amin e nasa 2k+, bale 5k ang balikan. At pag panahon ng kapaskuhan (nakakaamoy sila na maraming gustong umuwi na katatanggap lang ng bonus nila)...nasa 8k un!

Kaya sobrang saya ko talaga. Imagine, balikan namin at 1-way ticket ni mama, P5k lang!!!

Isa pa talaga...WooHoo! *hehe ang kulit pagpasensyahan nyo na*

Kaya excited na talaga ako ngayong umuwi.

Pero bago yan, kelangan ko munang matapos tahiin ang aking bag...in fairness, gawa na ung isang strap at ung body ng bag. Bwahaha. At nakabili na pala ako ng textile paint, so unti na lang talaga :D

Bibili din pala muna ako ng swim wear kasi sa isang resort ung celebration para sa kapatid ko. Hindi ako papayag na hindi makaligo sa pool lalo na alam kong gustung-gusto ni Ethan ang mag-swimming. Um-order na nga ako ng sunblock sa Indigo Manila e. Hehe.

Hindi naman ako excited.

WooHoo!

No comments: