11 December 2008

Kasabay ng paglamig ng simoy ng hangin, pagkutitap ng maraming Christmas light, at pagpapatugtog ng mga awiting pamasko...dumarami rin ang mga Scrooge sa paligid.


(Image from www.cedmagic.com)

Nung isang araw lang, naikwento ko sa isang kasama na nag-iisip na kami kung anong ihahanda para sa Noche Buena. Ang sagot sa akin..."Talagang pinaghahandaan nyo pa ang pasko, ah."


Hay. Grinch, istatchu?


(Image from canada.blog.uvm.edu.jpg)

Eto na ang sinasabi ko nung isang post ko dito. Hindi dahilan ang hirap ng buhay para hindi na rin ipagdiwang ang Pasko. Hindi naman kinakailangang engrande ang maging handa. Alam kong mahirap ang buhay pero ika nga ni A, "Kung ang dahilan mo para hindi magdiwang ng Pasko ay dahil wala kang pera, para ka na ring kumpanya na nagsabing wala tayong Christmas Party ngayong taon kasi mababa ang ekonomiya".



Ang sa akin lang naman, ang pagdiriwang ng Pasko ay hindi katumbas ng engrandeng handaan. Sapat na ang magkasama-sama kayong magpamilya at masaya. Magpasalamat para sa mga biyayang natanggap nitong taon...o, 'wag mong sabihing wala kang natanggap ni isa! Ang pagkakataon na maging buhay sa araw ng Pasko ay isang biyaya, kasi binigyan ka pa ng pagkakataong mabuhay, 'di ba?


Hay. Sabi ko nga, ang sa akin lang naman...

2 comments:

BabyPink said...

mami! hello sa inyong lahat! miss ko na kayo! :)

tama ka talaga! mabuhay ka!!!:)

kiss sa baby brother!:)

Ann said...

kami engrande ang Pasko ngayon kasi first Christmas ni Janna ... weeeeeeeee!