22 September 2010

94

Ilang araw na lang Oktubre na, ramdam ko na ang simoy ng hanging Pasko :) at maaga nang dumidilim...94 na araw na lang, Pasko na!

Ehem, wala pa akong nasisimulan sa aking mga planong dekorasyong pamasko. Pero meron na akong mga sinulid at tela, kailangan ko na lang talagang simulan. Sa Biyernes, wala kaming pasok kaya plano naming mag-Divisoria. Sana may mga Christmas tree na, plano ko ring bumili ng tela para sa kurtina. Whew! Nakakatuwa.

---

Ayan, masasabi ko na sa wakas na settled na ang aming pambayad sa monthly amortization ng bahay. Wala na akong worry na baka pumasok kami sa in-house financing. Bakit nakakatakot? Interest rate sa in-house = 18% kumpara sa bangko na 11.25% (published rate). Sa published rate pa lang, ang laki na ng pinagkaiba. Paano pa kung makakuha ng mas mababang interes kapag nagpa-fix ka ng 5 taon lang?

At least, settled na ito.

---

Dumaan kami sa bahay kahapon. Hindi pa nate-turn over ung unit namin sa project engineer samantalang sabi ng contractor plano nila i-turn over nung Huwebes. Ayun pala, may pinapaayos ung project engineer at itong linggong ito na lang daw nila i-turn over. Hehehe. Buti naman at pinaayos ng engineer.

---

Gustung-gusto ni Ethan na manood ng Wonderpets. At ginagaya nya pa (sinasabayan) ung mga aksyon ng mga bidang Wonderpets...lalo na si MingMing (ung batang bibe). Alam na rin nyang kantahin ung theme song.

Ang dami nang alam ni Ethan, ang daldal na rin. Nakikipag-deal pa.
A: Halika na, bath time na.
Ethan: After this one, ok?
A: Ok. Basta after that, ligo na ha.
Ethan: Okay.
(Pagkatapos ng palabas)
A: Tara na, finished na ung pinapanood mo.
Ethan: Okay, bath time na.

OR an alternative ending

A: Tara na, finished na ung pinapanood mo.
Ethan: After this one, ok? (Nge, naki-bargain ulit)
A: Ay hindi na, usapan natin was just that one episode.
Ethan: Oh-ke-ey.
Hehehe

---

Just last night...

Me: Let's go downstairs na, Ethan. Time to eat dinner.
Ethan: Okay. Let's go.
(Pagbaba, hugas na ako ng kamay. Si Ethan papunta dun sa kanyang "bed" sa sala)
Ethan: Mama, dito tayo. Higa tayo.
Me: E di ba kakain na?
Ethan: Dito tayo.
Me: Bakit ba tayo higa? E kakain na nga.
Ethan: Mama dede :P
Me: Okay, dede ka muna sandali tapos kain na tayo ng dinner okay?
Ethan: Oh-ke-ey.
(After a few minutes)
Me: Tara na. Sige count ako till 5. 5...4...3...2...1
Ethan: Hehe stop na.

Madali naman syang kausap. Siguraduhin lang na tuparin ang pinag-usapan :)

2 comments:

chepie said...

ambait na bata naman ni Ethan. i think, that's the beauty of treating your child as his/her own person. kahit showered siya with so much love and affection, yung pagtrato sa kanya as "a thinking, sensitive human" will spell the difference. :) enjoy being a mom my dear! :)

cheryll said...

hi pie! yup, I think so, too. that way you show him that you respect him and his views too. kung hindi naman makakasama sa kanya, it is good to compromise. at least, neither of you is frustrated.