03 December 2011

almost 36 and making decisions...

weeks into my second pregnancy, that is :)

almost a week shy before Tips can say "Hello, world" pohon. ayan na naman ang feeling ng paghihintay, ng pag-iisip kung paano ko malalaman na parating na siya, kung kelan nya talaga type lumabas. Gusto nya bang kasabay si Jesus, or sina papa at kuya, or hihintayin nya ba ang bagong taon?

kayo na ni Lord ang bahala, anak, kung kelan ka talaga naka-schedule na lumabas. basta, sigurado ako kahit anong petsa pa yan, matatandaan ko ang bawat pangyayari gaya nung kay Kuya Ethan mo. at kahit anong petsa pa yan, magiging special sya sa akin, kasi special ka sa akin. sabi nga ni Kuya Ethan, "kasi love kita".

---

napanood ko ang Our Idiot Brother last week. kinopya lang daw ni A sa isang kasamahan, hindi alam kung ano ang kwento. buti na lang at pinanood ko. nakaaantig ng puso ung movie. simple lang naman ang hinahatid nyang message - giving others the benefit of the doubt.

ung tipong, hindi mo pauunahin ung skepticism. ung hindi mo iniisip na may ulterior motive or masamang hangarin ung isang tao kung kaya ginagawa nya ang isang bagay. ung magmahal just because.

maaaring napaka-naive na pananaw pero parang ang gaan siguro sa pakiramdam na hindi ka nag-iisip lagi ng 1, 3, 5 times ahead kung ano kaya ang plano ng taong ito at ganito ang hinihingi sa akin. ung tipong tanggapin mo lang kung anong sinabi nya, malay mo, totoo naman pala.

ganun ang pananaw ng character ni Paul Rudd (ang idiot brother), naive na nagpapakatotoo sa nararamdaman. kaso dahil hindi nga sanay ang mga kapatid nya (na panay babae) sa ganung pananaw, pag nagkakabulgaran - napupunta sa away, sa galit.

andami kasing "rules" sa society kung ano at alin lang ang pwedeng sabihin.

napag-iisip ako. hindi ko alam kung may konek pero itong last week lang, napunta ako sa isang sitwasyon na kelangan kong sabihin kung ano ang sa tingin kong dapat. masasabi ko lang, mahirap kung may tao kang sinu-supervise sa trabaho.

ang laki ng responsibilidad mo para sa kanila. at ako pa, personality ko na na kapag binigyan mo ako ng responsibilidad, sineseryoso ko un. lalo na kung may taong involved. lalo na kung malaki ang implikasyon nun sa kanyang kinabukasan.

OA ba? ganun ako e, karir kung karir.

so ganun na nga. may nababasa lang kasi ako sa patutunguhan nung mga usapan kaya kelangan kong magsalita at ipaglaban ang sa tingin ko ay dapat. magalang pa rin naman ang pagkakasabi ko, hindi naman ako nambaboy o nang-alipusta. sana lang tumagos sa utak nung kausap ko ung punto ko at hindi sa ego nya (at baka sa akin ang balik nun hehehe. di bale, basta nagawa ko naman ang tingin kong dapat - no regrets at all!).

---

"Follow your bliss" - Joseph Campbell (1904-1987)

2 comments:

BabyPink said...

Happy 2012 to the whole family, Mami! How I wish I could see you one of these days! :)

Good vibes! :)

Kisses to the little people! :)

Heidi said...

what's up? have you given birth already? just curious... hope everything went well!